Minsan malungkot mag-isa... feeling mo walang nagmamahal sayo, feeling mo wala kang karamay.
Akala ko nung iniwan ako ng taong mahal ko, katapusan na ng mundo ko.. akala ko hindi ko na kayang bumangon uli, akala ko hindi ko kakayanin. Pero eto ako, matapos ang ilang di magandang pagtatapos at hiwalayan, nakuha ko pa ring ibangon ang sarili ko. Masakit at mahirap sa simula pero nakayanan ko pa rin. Naubos na nga lahat ng luha ko.. hanggang sa dumating na lang ako sa puntong pinagtatawanan ko na lang ang sarili ko dahil iniyakan ko ang mga taong di naman ako pinahalagahan. Siguro nga di sila ang Mr. Right ko, akala ko lang..
Ganun nga siguro talga ang pag-ibig. Minsan kailangan mong matalisod at madapa. Minsan kahit matalino ka nagiging tanga ka. Minsan akala mo nagawa at nabigay mo na lahat, kulang pa rin pala. Pero ganun e.. kasi kung di natin mararanasan ang masaktan, paano natin malalaman kung kaya talaga nating magmahal?? Paano natin malalaman kung sino talaga ang tunay na nagmamahal sa atin? Paano natin malalaman kung gaano tayo katatag at kung gaano tayo kahalaga?
Dati, tinatanong ko sa sarili ko kung bakit kailangan kong pagdaanan lahat ng iyon. Baka nananaginip lang ako.Ganun ba ako kasama? Hindi na ba ako love ni Lord? Pinaparusahan na ba ako ni Lord? Pero hindi pala ganun, ngayon mas naiintindihan ko na. Ngayon ko napagtanto, ang lakas ko pala kay Bro!
Tinatanong nga ako ng iba kong kaibigan kung handa na ba akong magmahal ulit. Ang sabi ko lang, masarap magmahal.. nakakamiss na nga e.. wala namang taong pinaghahandaan ang pagmamahal, kung handa lahat tayo e di wala ng nasasaktan? wala na ring iiyak! Dumadating lang bigla yan, tatamaan ka, magpapakaloka-loka pero masaya ka naman. Ang importante naging masaya ka at napatunayan mo na kaya pa ring tumibok ng puso mo..Masaktan ka man ulit,iiyak mo na lang ulit tapos bangon at magmahal ka uli.. ganun lang kasimple.. trial and error kung baga. Di rin tatagal mahahanap mo rin ang taong inilaan para sa yo, di lang siya Mr. Right kundi "THE RIGHT ONE" pa.
Minsan malungkot mag-isa... feeling mo walang nagmamahal sayo, feeling mo wala kang karamay. .. FEELING MO LANG YON!
Saturday, February 13, 2010
EMO or SENTI??
Labels:
classic,
healing,
inspiration,
jologs,
journey,
love,
new life,
positive attitude,
raves,
RIght One
Subscribe to:
Comments (Atom)






