Bakit nga ba may taong nega?? Ano kaya nasa isipan nila? Sadyang malungkot lang ba sila sa buhay nila o ayaw lang nilang maging maligaya ang iba? Marami na akong nakilalang ganito.. Maraming "angst" sa buhay kung baga..minsan nakakainis na silang kausapin at kasama dahil puro reklamo na lang ang
naririnig mo sa kanila pati simpleng problema na madaling solusyunan, pinalalaki pa!! Kaya naman walang nakakatagal sa kanila. Ang bigat nilang kasama..
naririnig mo sa kanila pati simpleng problema na madaling solusyunan, pinalalaki pa!! Kaya naman walang nakakatagal sa kanila. Ang bigat nilang kasama..
Masarap naman mabuhay.. Hindi naman natin kailangang gawing komplikado ang simple.. At lalong mas madaling ngumiti kesa sumimangot. Pero, dyan sila masaya.. Ang magkimkim ng galit, ang magbigay ng walang katapusang hinaing at mabuhay sa isang mundong feeling nila eh
pasan nila.
pasan nila.
Basta ako, masaya ang mundo ko.. Masarap tumawa at kuntento ako mamuhay ng simple kahit kumplikado ang mundong ginagalawan ko.
Ikaw.. Nega ka ba??







0 comments:
Post a Comment